Charice thanks Oprah Winfrey anew
Muling nagpasalamat ang Pinay singer na si Charice sa sikat na US talk show host na si Oprah Winfrey.
Sa guesting nito sa US show na "The Couch," sinabi ni Charice na tinatanaw niyang utang na loob ang pagtulong ni Oprah sa pag-usbong ng kanyang international career.
"Oh my God. I mean I can say that she's one of those people that I actually really owe. She gave me the career that I'd been wanting and everything. Until now, she's still there to support me. So, I just want to thank her for everything," ani Charice.
Matatandaang matapos lumabas ni Charice sa "The Ellen de Generes Show" ay nagsimula ang karera ni Charice sa abroad nang kumanta siya sa "The Oprah Winfrey Show."
Sa makailang paglabas ni Charice sa show ni Oprah binansagan na din nito si Charice na "the most talented girl in the world."
Sa ngayon ay abala si Charice sa pag-promote ng kanyang Hollywood film na "Here Comes The Boom" kung saan kasama sina Salma Hayek at komedyanteng si Kevin James.
Pag-amin ni Charice hindi niya inasahang kakanta pa din siya sa nasabing pelikula.
Ayon sa singer, nagpapasalamat lang siyang naging bahagi ng proyekto, lalo't nakasama niya sila Salma at Kevin.
"I love all of them. I'm just very blessed because I didn't expect that they would be that nice and sweet and everything. So being with them on the set, I kept on telling them that 'if you guys gonna make another movie, please, please pick me, pick me,'" ani Charice na ikinwento din sa "The Couch" na tapos na siyang mag-mentor-judge sa "The Philippines X Factor."
Sa ngayon ay tinatapos niya ang US version ng album niyang "Infinity."
"I just finished being judge-mentor in The X Factor Philippines. So I feel like I'm 40 years old," ani Charice.